Tungkol sa Benepisyo
Ang Benepisyo ay libreng gabay para malaman ng bawat Pilipino ang lahat ng benepisyong puwede niyang makuha sa sariling lungsod: pambansa at lokal, may eksaktong halaga, dadalhin at opisina.
Ang opisina na nagbibigay ng benepisyo ang magpapasya kung kwalipikado kayo. Kumpirmahin muna bago pumunta.
Paano namin sinisigurong tama
- Kumpirmado: may opisyal na source (batas, ordinansa, website o post ng lungsod) at na-check sa loob ng 6 na buwan.
- Ulat: galing sa balita, paaralan o user; hindi pa kumpirmado ng opisyal na source.
- Baka nagbago na: hindi pa nare-recheck nang higit 6 na buwan.
Privacy
Walang account. Ang inyong mga sagot at listahan ng pamilya ay naka-save lang sa phone ninyo. Kung gagamitin ang lokasyon, sa phone lang ito tinitingnan para hulaan ang lungsod; hindi ito ipinapadala o sine-save. Hindi kami humihingi ng ID number, eksaktong kita o birthday. Ang contact sa report ay opsyonal at binubura pagkalipas ng 90 araw (RA 10173, Data Privacy Act).
Walang bayad, walang fixer
Libre ang mga benepisyong nakalista dito. Huwag magbayad sa sinumang nag-aalok na "ilakad" ito.